I.PAMAGAT
THE HEALING
DIRECTOR: CHITO S. ROÑO
II.MGA TAUHAN
1. Vilma Santos- bilang si Seth, ang pangunahing tauhan sa pelikula.
2. Janice de Belen- bilang si Cita, isa sa mga kaibigan ni Seth at ina ni Cacai
3. Pokwang- bilang Alma, isang sa mga sinama ni Seth para magpafaith healing.
4. Martin del Rosario- bilang Jed, anak ni Seth at kapatid sa labas ni Cookie.
5. Kim Chiu- bilang Cookie, kapatid ni Jed sa ama a isa din sa mga nagpafaith healing.
6. Daria Ramirez- bilang Manang Elsa, ang faith healer.
7. Ces Quesada- bilang Chona, isa din sa mga sumama kay Seth para magpafaith healing.
8. Robert Arevalo- bilang Odong, tatay ni Seth.
9. Ynez Veneracion- bilang Greta, , asawa ni Ruben, isa din sa mga sumama kay Seth para magpafaith healing.
10. Mark Gil- bilang Val, dating asawa ni Seth at tatay ni Jed at Cookie.
11. Joel Torre- bilang Melchor, kapatid ni Manang Elsa. Siya ang pumatay kay Dario na siya naming pumutol sa sumpa.
12. Jhong Hilario- bilang Dario Mata, ang patay na binuhay ni Manang Elsa. Ang susi para mahinto ang sumpa.
III. BUOD NG KUWENTO
Dinala ni Seth (Vilma Santos) ang kanyang Ama sa isang faith healer matapos itong mastroke. Makalipas ang ilang araw ay gumaling ang kanyang ama. Nabalitaan ito ng kanyang mga kapitbahay at kaibigan maging ang kanyang anak at lumapit sa kanya upang makiusap na dalhin sila sa faith healer na nagpagaling sa kanyang ama. Tumanggi siyang dalhin ang half-sister ni Jed na si Cookie sa faith healer dahil baka mag away nanaman sila ng dati niyang asawa. Binigay niya na lamang ang address ni Manang Elsa upang sila na lamang ang pumunta,
Sinamahan ni Seth ang kanyang mga kaibigan papunta kina Manang Elsa ngunit ayon sa kanyang kapatid na si Melchor, mayroon daw siyang sakit at hindi na siya makapanggagamot pa. Ngunit dahil sa pagpupumilit ni Seth, pumayag si Manang Elsa na manggamot. Makalipas ang ilang araw, isa isa ng gumaling ang mga kaibigan ni Seth. Ngunit isa isa ring namatay ang mga ito. Pumunta si Seth kasama si Cita kina Manang Elsa upang alamin kung ano ang puno’t dulo ng sunod sunod na pagkamatay ng mga taong nagpagamot sa kanya ngunit pagdating nila, nalaman nila kay Melchor na patay na si Manang Elsa. Ipinaliwanag ni Melchor kina Seth at Cita na may dalawang paraan lang para matigil ito: ang mapatay lahat ng nagpagamot kay Manang Elsa sa araw na yon o patayin si Dario.
Nagtapos ang pelikula sa pagkaputol ng sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor kay Dario. Naligtas si Cookie, Seth at Jed na papatayin na sana ng sinapian si Cookie.
IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI
Gumaling ang ama ni Seth matapos niya itong dalhin sa isang faith healer. Nabalitaan naman ito ng mga kaibigan, kapitbahay at ng anak niya. Lumapit sila kay Seth upang makiusap na samahan/dalhin sila sa faith healer nayon. Dinala naman Seth sa isang faith healer na nagngangalang Manang Elsa ang kanyang mga kaibigan upang ipagamot.
Makalipas ang ilang araw, gumaling ang kanyang mga kaibigan ngunit naging masaklap ang kabayaran ditto. Isa isang namatay ang kanyang mga kaibigan dahil sa isang sumpa na dala ng pagbuhay ni Manang Elsa kay Dario na patay na ng kanyang ginamot. Naputol ang sumpa sa pagkapatay kay Dario.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Maganda rin ang estraktura at pagkakabuo ng kuwento ng pelikula. Naipahayag din ng maayos ang mensaheng nais iparating ng pelikula.
V. PAKSA/TEMA
Ang paksa ng pelikula ay nakapaloob din mismo sa pamagat nito- Ang pagpapagaling ng mga karamdaman gamit ang mga kapangyarihang labas sa sakop ng siyensya at medisina, kung hanggang saan ang makakayang abutin nito, at kung ano ang maganda at masamang dulot ng paggamit ng kapangyarihang ito.
VI. LAYUNIN NG PELIKULA
Ang layunin ng pelikulang ito ay makapghatid ng mga impormasyn, mensahe, takot at aliw sa mga manonood
VII. CINEMATOGRAPIYA
Isang suspense thriller ang genre ng pelikulang aming napanood. Ginawa ito upang matakot at mapaisip ang mga manonood. Masasabing magaling ang mga artistang gumanap na mga tauhan, ngunit may ibang parte ng pelikula ang hindi makatotohanan.
Pasok naman ang mga special effects na ginamit sa pelikula at ang kaangkopan ng mga tunog na ginamit ay nakapagdagdag ng tinatawag na “adrenaline rush” habang nanonood ng pelikula. Maganda rin ang mga angulo sa pagkuha ng pelikula ngunit may kaunting problema sa ilaw.
VIII. MENSAHE
Pag-isipan mo muna ang mga bagay na gagawin mo dahil baka sa huli, magsisi ka. Laging isaalang alang ang kabutihang panlahat at pansarili.